So.. long time no entry talaga.. sige.. now i will post what i did.. and it is not in chronological order.. haha!
Ngapala, pumunta ako sa former school ko.. umattend ako ng graduation ng kapatid ko.. ansaya1 kasama xa sa top 10 ng batch nila composed of 530 students.. oha! oha! mana sa ate.. joke.. ang saya pagmasdan nung mga bata na masaya at the same time challenged kasi natpos na nila yung elemntary life nila..iniisip ko nung mga panahong iyon, may hawak akong index cards kung saan nakasulat yung speech ko bilang valedictorian..ung moment na iyon sinabi ko sa sarili ko, "ito na ang simula ng pagtupad ko sa mga pangarap ko..".. nakita ko rin yung mga former teachers ko tapos halos lahat sila yumakap sa akin..masaya ako kasi hindi nila ako nakalimutan.. sila rin ay hindi ko makakalimutan.. parati akong may balita tungkol sa kanila kasi teacher sa school na iyon ung mom ko.. [may time pa ng na naging teacher ko yung nanay ko!]
Maaga nag-start ang vacation ko.. march 21 pa lang ay tapos ko na yung clearance ko.. nasa bahay lang naman, kumakain..natutulog..nagpapaka-baby sitter at yaya..naglilinis ng bahay minsan..nagsusulat ng tula at nag-gigitara. ang boring ng buhay ko noon.. as in sobra. may mga times na dadalawin kami sa bahay ng mga relatives namin tapos magdadala ng fuood and next time kami naman ang magdadala ng pagkain sa bahay nila.. [4 silang magkakapatid na nakatira sa bulacan lahat].. kaya ganun na lang ako ka-close sa mga pinsan ko kasi parang magkakapatid. pareho kami ng middle name at last name kasi magkapatid ang parents namin [dad nila at dad ko, mom nila at mom ko magkapatid]..
Hehe.. card giving.. pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ng parents ko yung card ko.. haha! mahabang kwento.. kami lang ni janella ata ang nakakaalam.. so nag-"outing" kaming 4 [jasper, edineille, janella and me].. pumunta kami ng SM north.. nung una plano namin lakarin hanggang dun pero nung nakalampas 100 steps na kami mula sa gate ng pisay, may humintong tricycle at sumakay na kami.. nanood kami ng moments of love.. kumain sa food court at nag window shopping..
Pagdating ng holy week..dun na nagsimula yung todong pagninilay-nilay ko.. di ba? minsan lang sa isang taong magkaron ng week na para talaga kay God at kay Jesus..so dapat sulitin natin yun.. "mejo" nag-fasting din ako kaso may mga times na hindi ko talaga mapigil kumain..
May mga sunod-sunod na gabi na ang weird ng pakiramdam ko..parang may masamang mangyayari..tinitxt ko na mga tao kasi hindi ko alam gagawin ko..pinagpapawisan ako ng malamig tapos hindi ako mapakali. ang hirap.. hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ko naramdaman yun.
Ngayon.. mas kilala ko na ang sarili ko.. mas alam ko ng yung mga bagay na ginagawa ko, gusto kong gawin, dapat kong gawin at pati yung mga bagay na nagawa ko. mas naging bukas ako sa mga pagkakamali ko. masyado ko kasing pinahalagahan yung sarili nung 2nd year kaya naging miserable yung buhay ko. tama sila, hindi nga ako marunong magpahalaga ng kaibigan.. ngayon, halos araw-araw gusto kong makausap sa mga kaibigan ko..iparamdam sa kanila kung gaano ako kaswerte dahil nakilala ko sila. kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman ang ganito..na para bang pinanganak ako ulit. nandito na ang bagong ako. siguro para sa inyo mahirap paniwalaan na nagbago na ako, hindi ko rin maipapangako na magugustuhan niyo yon pero ung joy na nakukuha ko sa sarili ko, iba eh. sana matanggap ako ng mga taong makaksalamuha ko. hindi naman kasi mahalaga sa akin na magustuhan nila ako, ang sa akin lang ay irespeto nila kung ano ako gaya ng respetong ibinibigay ko sa kanila. mahirap kasi yung sitwasyon na kahit kailangan niyong makibagay, hindi niyo mo magawa dahil iniisip mong ikaw yung tama... xa naman iniisip niyang siya yung tama.. [gets?!] ganito lang yan eh..hindi mo kayang baghin yung sarili mo sa sarili mo lang [ok ang gulo nun ah!] i mean kailangan mo ng tulong from the people around you..pero dapat nakasentro pa rin sa sarili..
Una, kilalanin mo kung sino ka talaga.. mahirap magkamali na akala dahil sa nabulag ka na ng kung anong idinidikta ng lipunan.. eh ano naman ngayon kung naiiba ka?! hindi naman yun masama.. dapat lang ginagamit ko ung "diversity" na ginawa ni God sa tamang paraan.. example.. isang maputi at isang maitim.. yung maputi may tendency na kutyain ung maitim dahil sa lipunan, mas mganda sa paniningin yung maputi.. kapag nakilala mo na kung sino ka.. simulan mo na ang pag-evaluate ika nga..sa akin, tinignan ko kung ano yung mga tama at maling nagawa ko.. bakit ko nagawa ang mga iyon.. at ano ang magagwa ko para maibsan yung sakit na naidulot ko sa aking sarili at sa mga taong nakapaligid sa akin. ang kailangan ay magpakatotoo hindi magpakaperpekto.. hindi madali gawin lahat ng ito.. sa aking karanasan, hindi madali ang magbago.. pero mas madali magbago mula sa mga pagkakamali..
Kunwari naglililok ka sa kandila.. di ba mejo mahirap yon? madalas kang nagkakamali.. maraming nasasayang na bahagi nung kandila.. nahuhulog lang sa sahig.. yung mga tira-tirang iyon.. pwede mong tunawin at moldehin ulit para maging bago at mas magandang kandila.. mejo bano ung analogy pero kahit pano related.. mold yourself into a new you!
Yay..
Simula ngayon titinuan ko na yung blog ko.. para may mapulot naman na maganda yung mga magbabasa nito.. idol ko yung blog nung mga ibang tao kasi wala lang.. ang astig nila.. makabuluhan.. example yung blog ni ate shayne..ung blog ni Gian..ung blog ni Sir Martin..basta yung mga tipong ganun.. hehehe..
baboosh..